Once Upon A Time

Chapter 9



Chapter 9

“YOUR DESIGNS are really fantastic! I can’t wait to see my daughter’s wedding dress designed by

you, Selena.”

“Thank you, Mrs. Lim.” Sinikap ngumiti ni Selena sa ina ng isa sa kanyang mga kliyente bago siya

magalang nang nagpaalam rito. Nagpunta siya sa isang sulok sa mansyon ng mga Trevino kung saan

mas kakaunti ang mga tao. Birthday ng araw na iyon ni tita Leonna, ang ina nina Adam at Dean at

ngayon na lang ito muling nagkaroon ng engrandeng party. Dahil sa nakalipas na mga taon simula

nang ma-comatosed si tito Bernardo ay naging pribado na lang ang mga selebrasyon sa mansyon ng

mga Trevino.

Pero ngayon raw ang taon para sa mga selebrasyon, ayon na rin kay tita Leonna lalo pa at ilang bwan

na lang ay ikakasal na raw sila ni Adam. Mahigit tatlong linggo na ang nakararaan simula ng naging

pagtatalo nila ni Adam sa restaurant. Hindi pa nagagawang aminin ni Selena sa mga magulang ang

totoong sitwasyon nila ng binata.

Sinadya ni Selena na magpahaging minsan lalo na sa kanyang ama na nagkakalabuan na sila ni Adam

pero kampante itong maaayos raw nila ng binata anuman ang pinagdaraanan nila. Iginiit nitong

anuman ang mangyari ay dapat matuloy pa rin ang kasal nila ni Adam patunay na roon ang patuloy pa

ring wedding preparations nila.

Mukhang kahit si Adam ay wala pa ring inaamin sa ina nito. Sa kauna-unahang pagkakataon ay

nakikita ni Selena na nag e-exert na kahit paano ng effort ang binata para sa kanila. Ilang ulit itong

dumalaw sa bahay niya pero hindi niya ito nilabas. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumitigil sa

pagtawag sa kanya kahit pa hindi niya na sinasagot ang mga iyon.

Napahugot si Selena ng malalim na hininga. Hangga’t maari ay ayaw niya na muna sanang

makipagkita sa mga Trevino, lalo pa kay Adam. Pero parang nakaramdam ang kanyang mga

magulang lalo ang kanyang ama. Sinadya pa siyang daanan ng mga ito sa kanyang bahay para sabay-

sabay na raw silang magpunta sa mansyon. Pero pagkarating roon ay sinadya niya ring lumayo sa

mesa ng mga magulang. Nagkunwari siyang nag-iikot sa paligid. Dahil sigurado siya na anumang oras

ay lalapit sa mesa nila ang mga Trevino at muling mag-uungkat ng tungkol sa preparasyon sa kasal.

Muling napabuntong-hininga si Selena. Kumuha siya ng isa sa mga wine glasses sa hawak na tray ng

nagdaang waiter at marahang sumimsim roon bago nababagot na iginala ang mga mata sa

napakalawak na hardin ng mansyon. Hanggang sa sala niyon ay may mga tao, mga tao na sa

pagdaan ng panahon ay napapagod na siyang harapin, mga tao na puro negosyo at kung paano pa

mas magkakamal ng mas maraming salapi at kapangyarihan ang pinag-uusapan, mga tao na

ginagawang basehan ang pinagmulan at katungkulan ng kapwa bago pakitunguhan ng mga ito.

Hindi kaila kay Selena ang mga negatibong sinasabi ng mga ito patungkol kay Dean, isang bagay na

sa nakalipas na mga taon ay parating nakapagpapainit ng ulo niya. Hindi magawang tanggapin ng mga

ito na nakapasok ang isang tulad ni Dean sa sirkulo ng mga ito. Mga matapobre ang mga ito, mga

napakatataas ng tingin sa sarili na akala mo kung sino na para bang hindi niya pa alam na ang ilan sa

mga ito ay mga gold diggers naman. At saka para namang gugustuhin ng tulad ni Dean na mapabilang

sa mga ito.

Geez. Kahit si Selena ay isinusuka ang sirkulong iyon, ang pinagyayabang ng mga itong mundong

iyon. Ni hindi niya alam kung paano iyon nasisikmura ng mga magulang. Siguro ay nakasanayan na

lang ng mga ito ang ganoon pero siya ay hindi at sa palagay niya ay hindi siya kailanman masasanay.

Agad na napahinto si Selena sa pag-inom ng alak nang mamataan ang kanina pa hinahanap.

Magkasunod na dumating ang magkapatid sa mansyon. Si Adam ay nakaitim na amerikana habang

nakasuot naman ng asul na amerikana si Dean. Parehong walang itulak-kabigin sa kakisigan ng mga

ito. Pero sa kung anong dahilan ay sa iisang partikular na tao lang tumutok ang atensyon niya.

Para bang sandaling nagkaroon ng bara sa kanyang lalamunan. Dean…

Sa nakalipas na mga araw ay ang mga tawag at text messages lang ni Dean ang tinatanggap ni

Selena. Ito din lang ang hinahayaan niyang makabisita sa kanyang bahay o opisina. Araw-araw silang

nagkikita nito maliban sa araw na iyon. Gustong-gusto niyang naririnig ang boses ng binata.

Bumibilis ang tibok ng puso niya marinig lang ang boses nito. Hindi na naulit pa ang paghalik nito sa

kanya simula nang umamin ito ng nararamdaman para sa kanya. At nakakahiya mang aminin pero

hinahanap-hanap niya ang halik na iyon. Gusto niyang… maulit muli iyon.

Nanatili ang mga mata ni Selena kay Dean. Muling bumilis ang tibok ng puso niya. Parehong magaling

magdala ng sarili ang magkapatid. Si Adam madalas kung maglakad ay para bang siguradong-

sigurado sa lulugaran nito, sigurado sa gagawin nito. Habang si Dean naman ay simple lang na para

bang iniiwasan ng husto na makaagaw ng atensyon na siyang malabong mangyari dahil sa gandang

lalaking taglay nito. Kahit ang mga kababaihan ay natahimik nang dumating ang magkapatid at sa

dalawa na lang nakatuon ang mga mata.

Pinagmasdan ni Selena si Dean kung paano nito dalhin ang sarili sa mapagpanggap na sirkulong iyon.

May matipid itong ngiti para sa lahat ng nadaraanan. Noon niya na-realized kung gaano siya kaswerte.

Dahil sa dinami-rami ng tao ay lumalabas na siya lang ang hinahayaan ng binata na makakita ng

buong-buo na ngiti nito.

Naglakad sina Dean at Adam papasok sa mismong loob ng mansyon na sa palagay niya ay para batiin

ang ina ng mga ito at para iabot ang dalang mga regalo. Pagkaraan lang ng ilang minuto ay lumabas si

Dean na para bang may hinahanap. Hindi nagtagal ay nagtama ang kanilang mga mata.

Hindi nakaligtas kay Selena ang pangingislap ng mga mata ng binata. Para bang sandali itong nag-

alinlangan bago ito naglakad palapit sa kanya. Hindi na tumigil sa malakas na pagkabog ang kanyang

dibdib. Habang naglalakad ito ay nabigla siya sa iba pang mga nakita niya kasabay ng pagdagsa ng

mga realisasyon sa sistema niya.

“Hello there, princess. You look… breathtaking tonight.” Pabulong lang halos na sinabi ni Dean para

makasiguro na walang ibang makakarinig.

Nakasuot si Selena ng simpleng puting gown na humahakab sa kanyang katawan. Sleeveless iyon at

nagpalitaw ng malaking bahagi ng kanyang likod. Isa iyon sa mga disenyo niya na higit na naging

kapansin-pansin dahil nakatali pataas ang kanyang buhok. Mula pa nang dumating siya sa party ay

ilang ulit na siyang nakatanggap ng mga humahangang tingin mula sa mga kalalakihan. Ilang ulit na rin

siyang nakatanggap ng mga papuri pero iba ang dating sa kanya nang si Dean na ang mismong

pumuri sa kanya.

Ilang sandaling hindi nakapagsalita si Selena. Tinitigan niya lang ang binata, hindi makapaniwala sa

nararamdaman. Bigla ay napakarami niyang gustong sabihin. Gusto niyang tawirin ang natitirang

distansya sa pagitan nila at yakapin si Dean ng mahigpit na mahigpit. Pero hindi pwede. Lalo pa

ngayon na damang-dama niya nang unti-unti ay naaagaw na nila ang atensyon ng mga bisitang

naroroon.

“I…” Nag-alis ng bara sa lalamunan si Selena bago nakuhang sumagot. “I think I need to go home

now.”

Naglaho ang kinang sa mga mata ni Dean.

“But be sure to follow as fast as you can.”

Pakiramdam ni Selena ay nadagdagan ang liwanag at kislap ng buong paligid nang makita niya ang

muling pagkinang ng mga mata ni Dean.

HALOS dalawang oras din ang lumipas bago natanaw ni Selena ang paparating na kotse ni Dean.

Nauunawaan niya na bilang miyembro ng mga Trevino ay hindi magiging madali para sa binata ang

basta na lang makaalis roon hindi gaya niya.

Nagdahilan na lang si Selena sa mga magulang para makaalis ng maaga sa party ni tita Leonna.

Nagprisinta si Adam na ihatid siya pero mabilis siyang tumanggi. Pero bago iyon ay ipinaalam niya sa

binata na kailangan nilang mag-usap ng masinsinan sa mga susunod na araw na kaagad namang

sinang-ayunan nito.

Huminto sa tapat ng gate ng bahay niya ang kotse ni Dean. Nang bumaba ang binata roon at nakita

kaagad ni Selena ang pamilyar na ngiti nito para sa kanya ay nagsimulang mag-init ang mga mata

niya. The signs were there all these time. Hindi niya nga lang iyon kaagad na napansin dahil masyado

siyang nasanay na si Adam lang ang laman ng puso niya. Masyado siyang nakulong sa ilusyon ng

mangyayaring kasal nila ni Adam.

Bukod pa roon, bata pa lang si Selena ay itinatak na ng kanyang ama sa isip niya na si Adam ang Belongs to NôvelDrama.Org - All rights reserved.

lalaking pakakasalan niya. At sa pamilya niya ay isang batas ang bawat sabihin ng ama. It was clear to

her that she was forbidden to look at any other man anymore. Dahil nakatali na siya. Kaya kahit pa

may iba nang kumakatok sa puso niya ay nahirapan siyang i-acknowledge agad iyon lalo pa at si Dean

ang kumakatok na iyon dahil alam niyang magiging isang pagsuway para sa kanya ang gawin iyon.

Pero ngayon ay hindi na kaya ni Selena na magbingi-bingihan sa idinidikta ng kanyang puso, puso na

kung tutuusin ay matagal nang nakapagdesisyon. Hindi niya alam kung kailan iyon nagsimula. Baka

noong birthday niya, noong nakipagkita siya kay Dean sa sementeryo, noong unang beses na halikan

siya nito o noon pang mga nakaraang bwan o taon na ang binata ang siyang kasa-kasama niya sa

halip na si Adam, noong ito ang umaaliw sa kanya noong mga panahong lungkot na lungkot siya o

noong mga panahon na inaalalayan siya nito at tahimik na umaalo sa kanya sa tuwing pinaghihintay

siya ni Adam. Hindi niya eksaktong masabi.

Pero malinaw na sa kanya ngayon ang lahat dahil mas naging attentive na siya sa nararamdaman.

Totoong minahal ni Selena si Adam. Pero hindi na ito ang nakakapagpatibok ng puso niya, ng puso

niyang nasaid na nito, ng puso niyang paunti-unti ay nagawang alalayan ni Dean, ng puso niyang sa

kabila ng lahat ay ganoon na lang katindi ang saya ngayon sa kaalamang sa wakas ay nagmamahal ito

at minamahal na rin ito.

“Selena-“

Agad na ginawa ni Selena ang kanina niya pa gustong gawin kay Dean noong nasa party pa sila.

Marahang niyakap niya ang binata. “I saw you walking towards me back at the party and I saw

something else.”

“What?” Nagtatakang tanong ng binata bago gumanti rin ng yakap sa kanya.

“I saw happiness, Dean. I saw love. I saw the promise of the beautiful things. Gusto mong malaman

ang sagot ko, ‘di ba? Heto na ‘yon.” Pumiyok ang boses ni Selena. “Hindi ko alam kung paano

nangyari o kung kailan eksakto nagsimula pero Dean, mahal rin kita. Mahal na mahal rin kita. That’s

why I’m asking you to hold on.”

“Oh, God.” Bahagyang humiwalay kay Selena si Dean at siya naman ang pinakatitigan sa

pagkakataong iyon na para bang naniniguro. “Am I really hearing things right?”

Sunod-sunod na tumango si Selena. “Hindi ito magiging madali para sa ating dalawa, Dean. Dahil

marami tayong kailangang harapin. But we’re in this together. Maninindigan tayo. Lalaban ako para sa

‘yo.” Determinadong wika niya pero mayamaya lang ay biglang nagkaroon ng pag-aalinlangan sa

kanyang puso. “But will you fight for me, too?”

“Always, princess.” Emosyonal na sagot ni Dean bago siniil si Selena ng halik sa mga labi. “Always.

Naghihintay lang naman ako ng go signal mula sa ‘yo kung lalaban ako. At ngayong nakumpirma ko

na, umasa kang itutuloy ko na ‘to. I love you way too much that I’d fight for you whatever it would take.”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.