Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 27



Kabanata 27

Hinanap agad ni Madeline si Jeremy. Kasing gwapo pa rin ng dati si Jeremy. Nakauoo siya sa kanyang

mesa habang nagbabasa ng ilang dokumento; hindi man lang niya iniangat ang kanyang ulo.

Napahalakhak siya nang malaman niya na nangungutang ng tatlong daang libo si Madeline sa kanya.

"Maliit na bagay lang ang pera para sakin Maddie. Pero, hindi kita bibigyan ng kahit isang sentimo."

Nagpatuloy sa pagmamakaawa si Madeline, "May cancer sa baga ang lolo ko, kailangan niya yung

pera para sa pagpapagamot niya. Jeremy, please, pahiramin mo ako ng pera. Babayaran kita."

"Babayaran mo ako? Ng ano?" Alam niyang hindi siya kayang bayaran ni Madeline. Subalit, bigla niya

sinabi na, "Mapapahiram kita ng pera, pero kailangan mong pumayag sa hinihingi kong divorce."

Hinawakan ng mahigpit ni Madeline ang dulo ng kanyang damit.

Gusto ni Jeremy na maging asawa si Meredith at siya naman ang maging kabit.

Pinigil ni Madeline ang sakit na naramdaman niya. Pinilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili.

"Jeremy, maliban dun, papayag ako sa kahit ano."

Isinara ni Jeremy ang mga dokumentong binabasa niya. Masama ang tingin niya kay Madeline. "Kung

hindi ka papayag, huwag ka nang umasa na may makukuha ka sakin." Copyright Nôv/el/Dra/ma.Org.

Noong makita ni Madeline na paalis na siya, wala nang pakialam pa si Madeline sa kahit ano. Hinablot

niya ang braso ni Jeremy. "Jeremy, please tulungan mo ang lolo ko. Hindi pwedeng ipagpaliban ang

operasyon niya."

Natawa si Jeremy. Walang kahit anong awa sa mga mata niya. "Ano ngayon? Anong kinalaman nun

sakin?"

Kinilabutan si Madeline sa kanyang narinig. Biglang naging iba ang tingin niya kay Jeremy.

Habang lumilipad ang isipan ni Madeline, nakaramdam siya ng sakit sa kanyang baba. Noong

matauhan siya, napatingin siya sa mga mata ni Jeremy. Napakaganda ng mga mata at kilay niya;

ngunit, makikita ang pang-iinsulto sa ekspresyon ng kanyang mga mata.

"Para kay Mer, bibigyan kita ng ibang paraan. Tutal gustong gusto mo ng pera, pwede mong ibenta

ang sarili mo. Hindi magiging problema ang tatlong daang libo sa ganda mo."

Tinulak niya si Madeline at naglakad palayo.

Tumatak sa puso ni Madeline ang mga sinabi ni Jeremy. Muling sumakit ang tumor ni Madeline.

Diniinan niya kung nasaan ang kanyang tumor at uminom siya ng painkiller.

Umaalingawngaw pa rin sa mga tenga niya ang mga sinabi ni Jeremy habang sinusubukan niyang

pigilan ang kanyang mga luha. Tinatagan ni Madeline ang kanyang loob at tumayo.

Tama siya. Sa mga nangyayari ngayon, ang pagbebenta ng katawan niya ang tanging magagawa niya

para sa kanyang lolo.

Subalit, hindi ipinagbili ni Madeline ang kanyang sarili.

Sa halip, pumapasok siya sa bawat pribadong silid sa nightclub bitbit ang red wine na bigay ng

kanyang manager.

Mababait ang mga customer na pumupunta sa nightclub na ito, lalo na kung puro magagandang babae

ang kaharap nila.

Karaniwan na walang makeup si Madeline. Malinis at simple lang ang itsura niya. Subalit, noong

gabing iyon, iba siya sa karaniwan niyang sarili.

Nakatingin sa magandang mukha ni Madeline ang mga customer at agad nilang binibili ang mga wine

na dala ni Madeline.

Isang bote na lang ng wine ang meron si Madeline. Nakita ng manager na magaling siya sa

pagbebenta ng wine, kaya binigay niya kay Madeline ang pinakamamahalin nilang wine at pinapunta

siya sa VIP room. Sinabi ng manager na nandoon lahat ang mga pinakamayaman nilang customer.

Kapag naibenta niya ang boteng yun, makakatanggap siya ng isang daang libong dolyar bilang

komisyon.

Naakit ng laki ng halaga na yun si Madeline. Kaya naman, kahit na masama ang pakiramdam niya at

kahit na nagdadalawang-isip siyang pumunta sa VIP room, noong maisip niya na makakapagpagamot

na ang kanyang lolo, uminom siya ng painkiller at dumeretso sa VIP room.

Pagbukas niya ng pinto, nakita niya ang isang mukha na nagpabilis sa tibok ng kanyang puso.

Nakahilata si Jeremy sa sofa. Nagmistula siyang isang mapagmataas na maharlika. Malakas ang

kanyang dating at nagdudulot siya ng takot sa sinumang tao.

Sa mga sandaling iyon, nandoon din sa silid si Meredith.

Hindi inasahan ni Madeline na si Jeremy ang pinakamayamang customer noong gabing iyon.

Namanhid ang kanyang katawan noong uminom siya ng painkiller. Subalit, bigla na lamang sumakit

ang kanyang tumor.

Ayaw nang ipahiya pa ni Madeline ang kanyang sarili kaya naisip na lang niyang umalis.

"Hindi ko inasahan na ibebenta mo talaga ang sarili mo Madeline." Maririnig ang pangungutya sa

boses ni Jeremy. Sumakit ang mga kalamnan ni Madeline noong marinig niya iyon. Kasunod nito,

lumapit sa kanya si Meredith.

"Ikaw nga Maddie! Bakit ka nandito?"

Gustong masuka ni Madeline noong makita niya ang pagmumukha ni Meredith. "Ibahin niyo 'ko.

Nagpunta kayo dito para magpakasaya, habang ako nandito para kumita ng pera."

"Kumita ng pera? Bakit ka nagkaganyan Madeline? Hindi ba't parang pinapahiya mo si Jeremy sa

ginagawa mo? Pwede mong sabihin sakin kung kailangan mo ng pera. Paano mo nagawang ibenta

ang sarili mo?"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.